Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Lungsod ng Taguig sa Buwan ng Kasaysayan, iniimbitahan ang lahat ng Taguigeño na makibahagi sa selebrasyon ng "Bida Kasaysayan" (Bahagi ng Ating Nakaraan, Gabay sa Ating Kinabukasan)

Ang buong araw na aktibidad ay gaganapin bukas, Agosto 31, 2019 (Sabado) sa Plaza Bonifacio, Brgy. Ligid-Tipas.

Dito mababalikan at magugunita ang mayamang kasaysayan at kultura ng Taguig sa pamamagitan ng iba't ibang booth na maaaring ikutan sa Plaza Bonifacio kabilang ang:

1. Baybayin 101 - Matutong sumulat gamit ang sistema ng pagsulat ng mga katutubo na tinatawag na baybayin.

2. Taguigeño Ako! Photo Booth - Magpakuha ng larawan sa makalumang filter sa isang photobooth. Maaring ibahagi ang larawan sa social media sites gamit ang mga hashtag na #TaguigeñoAko, #ILoveTaguig, #ThinkBigTaguig at #BidaKasaysayan2019.

3. Map It! - Ituro at iguhit sa mapa ang mga makasaysayang lugar sa Taguig.

4. Finding Banak - Alamin ang mahahalagang impormasyon at tradisyon ng Sta. Ana River Festival o Banak gamit ang isang laro.

5. Defend PH - Dito niyo malalaman ang papel na ginampanan ng Taguig noong World War II.

6. Kwentuhang Bayan - Alamin ang kahalagahan ng kasaysayan ng Taguig at kung ano ang ambag ng bawat Taguigeño sa pagkakakilanlan ng lungsod.

7. Watch a Movie - Panoorin ang buhay ni Andres Bonifacio at ang kanyang kabayanihan.

8. New Nationalist Reenactor Group - Tunghayan ang pagsasadula ng grupong ito ng isang Spanish military drill.

9. Taguig, The People's Book Exhibit - Buklatin ang pahina ng Taguig, The People's Book na tumatalakay sa kultura at kasaysayan ng Taguig.

10. Taguig Heritage Society - Kilalanin ang mga lokal na historians ng Taguig at kung paano sila nagsasagawa ng pagsasaliksik sa kasaysayan ng lungsod.

Ano pa ang hinihintay niyo? Makiisa at makibahagi na sa pagdiriwang na ito!


Loading...

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post
Loading...

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...