Taguig pinasinayaan ang Teacher's Lounge na bubuksan sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Bibigyan ng Taguig ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge na kung saan maari silang magpahinga, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo na sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro.

Binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig sa isang seremonya kahapon, Huwebes, ika-17 ng Oktubre 2019.

Naglalaman ng entertainment area, lounge, pantry and conference room ang nasabing pasilidad.

Kasunod nito ay bubuksan ang pangalawang Teacher's Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) na matatagpuan sa Ususan.

Binabalak rin patayuan ng City Hall ang mga natitirang pampublikong paaralan sa darating na Enero 2020. Magkakaroon ng kanya-kanyang Teacher's Lounge ang bawat 26 na paaralang elementarya at 10 high school na matatagpuan sa Taguig.

Ang nasabing inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 na principal at mahigit kumulang 4,156 na guro, o higit pa dahil sa tumataas na oportunidad para sa mga guro sa sistema ng pampublikong paaralan dito sa Taguig.


Loading...

WHERE TO EAT IN TAGUIG?

IMPORTANT NOTE: ang Taguig Tayo blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeno.

WHERE TO STAY IN TAGUIG:

TAGUIG TAYO IS NOW ON YOUTUBE!
Click here to subscribe to our YouTube Channel.

taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number

Post a Comment

Previous Post Next Post
Loading...

TAGUIG CITY HOTLINES


Klook.com
Loading...